Oo. At hindi mo kailangan ng app.

Mapakikinabangan pa ang plastik sa iyong komunidad.
Ibigay ang basurang plastik sa imbakan ng paaralan o junk shop na malapit sa iyong lugar.
- pamilyang sumali
- 15,331
- drop-off point
- 460
Puwede pang pakinabangan ang pinaggamitan na plastik.
Hindi ito kailangang mauwi sa tambakan bilang basura. Kapag dinala sa imbakan o drop-off point, maaaring ma-recycle ito at makatulong sa komunidad mo.

Paano ito gumagana.
Libreng sumali
Piliin ang paaralan o junk shop na nais mong tulungan.
Dalhin ang plastik
Dalhin ang nakolektang plastik sa imbakan o drop-off point na malapit sa iyo.
Subaybayan ang pagdami ng koleksyon
Sa bawat pagdala ng plastik, natutulungan mo ang iyong komunidad.
Ang benepisyo nito, balik sa komunidad mo.
May dagdag na kita ang junk shop mula sa mga plastik na nakokolekta nila. Nakatatanggap naman ng gantimpalang salapi ang mga paaralan habang dumarami ang mga pamilyang kasapi sa programa. Ginagamit nila ito para sa:
Pagsagawa ng palakasan
Mga proyekto ng school club
Teknolohiya para sa mga mag-aaral
Gamit sa silid-aralan
Lakbay-aral at kaganapan sa paaralan
Tulong pinansyal sa pag-aaral

Sama-samang matuto at kumilos.
Kinakasanayan ang pagre-recycle. Kapag sabay-sabay natutunan ng pamilya kung paano maghiwalay ng basura, nadadala ang kaalamang ito habambuhay.
- Sabay na magbukodIpakita sa mga anak mo kung aling mga plastik ang itatabi, at kung bakit.
- Mga misyon para sa pamilyaMaiikling takdang-aralin at gawain na maaaring subukan sa bahay.
- Mas malinis na kapaligiranMababawasan ang kalat sa inyong lugar.

Ang mga puwede mong dalhin.
Ubusin ang laman, banlawan at patuyuin ang mga plastik. Ilagay ang bawat uri sa magkakahiwalay na supot.
- Mga bote ng inuminTubig, softdrinks, o juice
- Mga bote ng shampoo at sabonMakapal na plastik na may markang 2 sa ilalim
- Mga lalagyan ng pagkain at plastik na supotLalagyan ng pagkain na may markang 5 sa ilalim, at malinis na plastik na supot
Hindi sigurado? Magtanong sa drop-off point mo.

Maghanap ng drop-off point.
Ang mga drop-off point na pinakamalapit sa iyo.
Hinahanap ang mga drop-off point na malapit sa iyo…
Mga madalas itanong
Magkakaroon ka ng libreng online account. Doon makikita ang buong mapa ng mga imbakan o drop-off point, ang kabuuang koleksyon ng napiling komunidad, at ang listahan ng maiikling misyon para sa pamilya.
Hindi. Itinuturing na abuloy o donasyon ang plastik na dinadala mo. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng dagdag na kita ang mga junk shop sa pag-recycle nito habang nagkakaroon naman ng gantimpalang salapi ang mga paaralan.
Hindi. Puwedeng magdala ng plastik ang sinuman. Libreng sumali para matulungan ang napiling imbakan o drop-off point at makita ang kabuuang koleksyon ng komunidad.
Mainam pa rin na sumali. Lalabas sa account mo ang buong mapa ng mga lokasyon at dumarami ito habang patuloy na nagbubukas ng bagong imbakan o drop-off point.
Oo: ipapadala namin ang sign-in code mo, pati ang balita mula sa komunidad at mga kaalaman o tip sa pag-recycle. Maaari kang mag-unsubscribe kahit kailan.